BEIRUT (AFP) – Inilabas ng Islamic State jihadist group ang isang video noong Martes na nagpapakita ng isang batang lalaki na binabaril ang dalawang lalaki na inakusahang nagtatrabaho para sa Russian intelligence services.

Ipinakikita sa video na pinatay ng bata ang mga lalaki matapos silang tanungin sa camera tungkol sa diumano’y tangkang makapasok sa IS sa Syria.

Pinamagatang “Uncovering an Enemy Within” sa English, ang video ay isinasalaysay sa Russian at isa sa mga lalaki ang nagsabing siya ay Kazakh citizen at kinuha ng Federal Security Service (FSB) ng Russia para makalapit sa isang IS fighter.

Hindi nagbigay ng kanyang nationality ang isa pang lalaki.
Metro

Klase, government offices sa NCR, Region III at IV-A suspendido sa Hulyo 25