PHOENIX (AP)- Gumawa si LeBron James ng 33 puntos sa kanyang pagbabalik mula sa dalawang linggong layoff ngunit hindi ito naging sapat upang mapigilan ang Cleveland Cavaliers sa muling pagsadsad patungo sa kanilang ikaanim na sunod na pagkatalo, 107-100, sa kamay ng Phoenix Suns kahapon.

Umiskor si Markieff Morris ng career-high na 35 puntos sa kanyang 15-of-20 sa shooting para sa Suns, na na-outscore ang Cays, 11-3, sa huling 3:31.

Nakahabol ang Cavaliers mula sa 19 puntos na pagkakabaon sa ikatlong yugto upang agawin ang kalamangan sa fourth period, ang una sa walong lead changes sa stretch.

Si J.R. Smith, na napasama sa Cavaliers habang wala si James, ay naglista ng 29 puntos, 8-of-14 sa 3-points.

National

PBBM admin, nagsisilbing ‘totoong kalamidad’ sa ‘Pinas – Maza

Si James, na lumiban upang ipahinga ang kanyang sore left foot at nananakitna lower back, ay 11-of-18 sa kanyang attempts at 6-of-8 sa second half.

Resulta ng ibang laro:

Minnesota 11, Indiana 101

Atlanta 105, Philadelphia 87

Washington 101, San Antonio 93

Golden State 116, Utah 105