SYDNEY (AP)– Nalagay sa alanganin ang paghahanda ni Caroline Wozniacki para sa Australian Open noong Lunes nang siya ay mapilitang umatras mula sa kanyang first round match sa Sydney International dahil sa wrist injury.

Nalaglag ni Wozniacki ang unang set kay Barbora Zahlavova Styrcova ng Czech Republic, 6-4, at tabla ang bilang sa 1-1 sa ikalawang set nang siya ay maglakad patungo sa net at sinabing hindi na niya kayang magpatuloy.

Ipinatawag ng fourth-seeded na Dane ang kanyang trainer ng tatlong beses sa kabuuan ng first set para matingnan ang kanyang left wrist.

‘’I felt it during one shot,’’ sabi ni Wozniacki. ‘’I hit it against the wind and hit it late and I felt it in my wrist.”

National

Agusan del Sur, nilindol ng magnitude 5.3

‘’I’ve had it before so I kind of know what it is. It’s painful every time I had to hit a backhand and I didn’t want make it worse before Melbourne, so I’m just going to try and get some treatment on it and try and get ready for next week.’’

Sinabi ni Wozniacki na kumpiyansa siyang magagawa niyang makapaglaro sa Melbourne Park, bagamat ang treatment na kanyang natanggap sa courtside ay hindi nagpawala ng iniindang sakit.

‘’I just felt like it was getting a little worse, so I felt like I wasn’t going to win the match without being able to hit like a proper backhand,’’ aniya.

Tinalo ni Wozniacki si Zahlavova Strycova sa tatlong set sa semifinals ng ASB Classic sa Auckland, New Zealand, noong nakaraang linggo, bago nalaglag kay Venus Williams sa final.

Makakatapat na ngayon ni Strycova si Samantha Stosur ng Australia sa susunod na round.