IKAKASAL na si Usher sa kanyang longtime girlfriend at business partner na si Grace Miguel, kinumpirma ng isang source sa Us Weekly. Nagsimula ang kanilang relasyon noong 2009, matapos makipaghiwalay si Usher sa dating asawa na si Tameka Foster.

“She’s happy but they’re trying to keep it quiet,” isang source ang nagsabi sa Us tungkol sa magkasintahan, na namataang sobrang malambing sa isa’t isa sa Golden Globes Art of Elysium Heaven Gala sa Los Angeles noong Enero 10. At nakitang may suut-suot na diamond na singsing si Grace sa kanyang daliri.

Ayon sa ulat ng Page Six, “you wouldn’t think it was an engagement ring because it’s so big,” nang mamataang kumakanta ang magkasintahan sa E11even nightclub sa Miami noong Bagong Taon.

Kamakailan lamang naging bukas si Usher, 36, tungkol sa kanyang buhay pag-ibig. “I have an incredible partner and manager,” pahayag niya sa Billboard magasin noong Oktubre 2014. “She has helped me through some of the hardest times in my life and my career. She’s someone who’s been able to support and understand all of who I am. Not just as a dancer or as a performer or as a singer, but as a humanitarian and a business man and as a person.”

National

₱150 milyong lotto jackpot, pwede mapasakamay ng lotto bettors ngayong Hulyo 16

Matatandaang biniyayaan ng dalawang anak sina Usher at Foster, sina Naviyd Ely at Sher Raymond V. Ang dating mag-asawa ay nagsama simula noong 2007 hanggang 2009. - Yahoo News/Celebrity