LA PAZ, Tarlac - Isang kasambahay ang nahaharap ngayon sa kasong qualified theft matapos niya umanong ilang beses na pagnakawan ang amo niya na alkalde ng La Paz, Tarlac.

Kinilala ni PO2 antonio Alvio Jr., ang suspek na si Elyrose Dagdagan, 21, dalaga, ng Barangay La Purisima, La Paz, Tarlac.

Inireklamo si Dagdagan ni La Paz Mayor Michael “Bong” Manuel dahil sa pakikialam umano sa drawer sa kuwarto ng alkalde na may P200,000 cash.

Inamin umano ng suspek na tuwing maglilinis siya sa kuwarto ng alkalde ay binubuksan niya ang nasabing drawer.
National

Sonny Angara, nagbitiw na bilang senador