Pagkakaisa ng buong mundo laban sa mga problemang kinakaharap gaya ng climate change at terorismo ang mahalaga.

Ito ang binigyang-diin ni Pangulong Benigno S. Aquino III sa kanyang mensahe sa tradisyunal na Vin d’ Honneur sa Malacañang sa harap ng diplomatic community kamakalawa.

Iginiit ng Pangulo na napatunayan ang kahalagahan ng pagkilos bilang iisang komunidad sa karanasan sa Ukraine tension, global climate change, walang katatagang presyo ng langis sa pandaigdigang merkado, banta ng pandemic na MERS-Corona virus o Ebola at mga karahasan sa Pakistan, Australia, Canada at France.

Sinabi ng Pangulo na hindi uubra ang pagpapairal ng kanya-kanyang pagkilos o parochial mindset, bagkus ay kailangang makibahagi ang bawat isang bansa para mas epektibong maresolba ang isang sakuna na nakakaapekto rin sa ibang bansa.

National

VP Sara sinabing si Romualdez ang gustong pumatay sa kaniya

“’United we stand, divided we fall’ comes to the forefront. We are responsible for our world and its future. Whether in combating climate change and its effects, or in fighting inequality, or in taking a stand against terrorism and instability: the time to act is now. We can work together: each person and each country doing its part to collectively solve all these issues,” pahayag pa ng Pangulo.