Prayoridad ng Team Philippines Southeast Asian Games Management Committee na mabigyan ng pagkakataon ang mga kabataan ngunit puno ng potensiyal na magwagi ng medalya sa nalalapit na 28th Southeast Asian Games sa Singapore sa Hunyo 5 hanggang 16.

Ito ang inihayag ni Team Philippines Chef de Mission Julian Camacho sa isinagawang unang Philippine Sportswriters Association (PSA) forum sa taon na ito sa Shakey’s Malate.

“As you can observed, wala tayong itinakdang criteria o qualification because SEA Games is the lowest tournament among the international meets pero we give chance to the young athletes and those previous SEA Games, Asian at World medalist in our campaign,” sinabi ni Camacho.

Nakatakda namang magpulong ang SEA Games Management Committee sa Enero 21 upang pagusapan ang mga isinumiteng short list ng National Sports Associations (NSA’s) na kabilang sa paglalabanang sports sa kada dalawang taong torneo.

Libreng toll fee sa NLEX,SCTEX at iba pang expressway, ipatutupad sa Pasko at Bagong Taon

“More than half has submitted their lineup from the 33 out of 36 sports na sasalihan natin. As procedure, we submit a complete list in our entry by number but we will discuss and maybe trim down the list to a maximum of 400 athletes in the delegation,” dagdag ni Camacho.

Ilang asosasyon naman na sangkot sa kaguluhan o may problemang internal ang nagbibigay kabagalan sa dapat sana’y pagsisimula ng paghahanda at pagsasanay ng pambansang atleta kung saan isa na dito ang tinukoy ni Camacho na volleyball

“We are waiting for the decision of the POC Board with regards to volleyball. It could be any of them or one of them. In our last meeting, the POC had to decide dahil nagkakagulo sa liderato ng volleyball. So the POC Board has to take charge of the athletes pati na rin sa kanilang training,” giit pa ni Camacho.

Bagamat nagsumite ng kanilang lineup ang PVF, hindi naman ito sigurado kung papayagan ng POC dahil sa patuloy na pagsuway ng mga namumuno sa asosasyon sa una nang hiniling ng POC Board.

Hindi naman sasali ang Pilipinas sa tatlong sports na hockey, netball at floorball habang inaasahan na nito ang pagkakabawas ng makukubrang gintong medalya sa taekwondo, judo, wushu, billiards at swimming.

“Hindi kami naglabas ng prediction but we want to do better in Myanmar,” ayon pa kay Camacho. “We ask the NSA’s to do their homework pero sa tingin ko kaya natin ang 5th place.”