Pinataob ng San Sebastian College (SSC) ang dating kampeon na University of Perpetual Help, 25-22, 25-20, 25-19, upang maitakda ang pagtutuos nila ng event host Arellano University (AU) sa women’s finals ng 90th NCAA volleyball tournament sa FilOil Flying V Arena sa San Juan City.

Sinandigan ng Lady Stags ni multi-titled coach Roger Gorayeb ang V-League veteran na si Gretchel Soltones na nagposte ng 21 puntos para pangunahan ang pagbabalik ng koponan sa finals.

``Actually, kami ‘yung underdog sa game kasi mas malalaki talaga sila (Lady Altas). Pero nagawan namin ng paraan iyon sa pamamagitan ng speed at nandoon din iyong desire na makapaglaro ulit sa finals,`` pahayag ni Gorayeb.

Una rito, nakumpleto ng University of Perpetual Help Altalettes ang pagwalis sa single round robin semis upang makausad sa finals ng juniors division.

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

Sa pamumuno ni Malden Deldil na nagposte ng 19 puntos, ginapi ng Perpetual ang San Sebastian College (SSC) Staglets, 25-18, 25-23, 24-26, 25-11, para makabalik sa finals na huli nilang nagawa may apat na taon na ang nakararaan.

“Masaya kami kasi nakapasok kami sa finals, pero hindi pa tapos ang aming trabaho,`` pahayag ni Perpetual Help mentor Sandy Rieta na naghahangad na maibigay sa Perpetual ang ikapitong juniors title.

Bagamat natalo naman sa College of St. Benilde (CSB), 16-25, 22-25, 25-12, 25-12, 12-15, pasok pa rin sa finals ang Arellano Lady Chiefs.

Umusad sa finals ang Lady Chiefs at Lady Stags sa kabila ng pagtatabla nila sa 2-1 (panalo-talo) baraha, kasama ng Lady Blazers matapos ang semis dahil sa bisa ng mas mataas na tie break.

Makakatunggali ng Altalettes ang elimination to notcher na Lyceum of the Philippines na tumapos na ikalawa sa semis na hawak ang barahang 2-1 sa finals na magsisimula sa Enero 21.

Magkakaroon ng break ang liga bilang pagbibigay daan sa pagbisita ng Santo Papa sa bansa.