HONG KONG (Reuters) – Sinalakay ng mga awtoridad ang isang sindikato ng prostitusyon sa Macau, ang world’s biggest gambling hub, at naaresto ang anim katao, kabilang na ang pamangkin ng gaming magnate na si Stanley Ho, iniulat ng media noong Martes.

Ang mga inaresto ay nagmula sa Hong Kong, Macau at mainland China.

Idinetine rin ang 96 na kababaihang nagmula sa mainland at Vietnam, sinabi ng Macau police sa pahayag na inilabas noong Enero 10.

Kabilang sa mga inaresto si Alan Ho, senior executive sa Hotel Lisboa at pamangkin ng SJM Holdings’ chairman Stanley Ho, at limang hotel staff, iniulat ng pahayagang South China Morning Post.
National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20