Sinabi ni Golden Boy Promotions President Oscar De La Hoya na patas lamang ang bilis sa ngayon nina WBC at WBA welterweight champion Floyd Mayweather Jr. at WBO 147 pounds king Manny Pacquiao kaya magandang maglaban ang dalawa sa Mayo 2.

Unang nakaharap ni De La Hoya si Mayweather noong 2007 at nagwagi lamang ito sa kontrobersiyal na 12-round split decision samantalang noong 2008 ay napatigil siya ni Pacquiao sa loob ng walong rounds sa mga sagupaang ginanap sa MGM Grand sa Las Vegas, Nevada.

Sa panayam ni Edward Chaykovsky ng BoxingScene.com, pabor si De La Hoya kay Pacquiao kung naglaban ang dalawa may limang taon na ang nakararaan dahil mas mabilis noon ang Pilipino kaysa kay Mayweather.

"A few years ago, Pacquiao was the quicker fighter, but I feel the Filipino star has slowed down since I faced him," ani De La Hoya. "It's different [kinds of] speed. Mayweather is a guy who times you. He'll throw a fast shot and boom. Mayweather will not throw a combination [of punches] . He's not that type of fighter. A three or four punch combination ...... he' s not that type of fighter."

National

Tinapyasang budget ng opisina ni VP Sara, ‘di na dapat baguhin – Sen. Risa

"Pacquiao is [that type of fighter] . He'll throw a four, five, six, seven punch combination and [throw it] fast," dagdag ni De La Hoya na nagretiro matapos ang laban kay Pacquiao. " I would say, today, both guys might be the same. A few years ago, four or five years ago, I would have gone with Pacquiao. Both guys have slowed down a bit but both are still pretty quick. I would have to say they're even."