Sure ako na naranasan mo nang halos mauntog ang ulo mo sa iyong keyboard o binabasang aralin dahil sa sobrang antok. Wish mo lang na puwede kang magtago sa ilalim ng iyong mesa at matulog kahit ilang minuto lang. Maging ano man ang ginawa mo kagabi, nakisaya sa magdamagang party, naghele ng baby, naglamay ng assignment o nagbantay ng bahay dahil natunugan mong aakyatin iyon ng magnanakaw, o ano mang aktibidad na lumusaw ng iyong lakas, mayroon kang mahalagang tungkulin ngayon kung kaya kailangan mong manatiling gising.

Narito ang ilang tips upang manatili kang gising buong araw; mga simpleng taktika upang labanan ang antok. Mamili ka na lang kung alin ang uubra sa iyo sa sandaling antukin ka sa trabaho o sa klase.

  • Umuwi ka na lang. Ito ang hayagang pagsuko sa antok. Pumunta ka sa boss o professor mo at sabihin sa kanyang masamâ ang iyong pakiramdam at kailangan mong umuwi. Ngunit gagawin mo lang ito sa matinding situwasyon. Hindi ka talaga maaaring umuwi kung kritikal ang gagawin mong trabaho; ngunit kung hindi naman, ang pag-uwi upang matulog ang iyong pinakamainam na lunas laban sa iyong antok. Pagdating mo sa bahay matulog ka agad. Huwag mo nang alalahanin ang mga trabahong hindi mo nagawa. Pagpasok mo kinabukasan tiyakin mo lang na mas masipag ka kaysa dati.

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente

Mahirap din namang manatiling gising habang may klase. May iba’t ibang taktika upang labanan ito:

  • Kung puwede rin naman, magdala ng kape, snack na hindi lilikha ng tunog kapag kinakain, o chewing gum.
  • Kahit hindi ka naman mahilig magsulat sa iyong notebook, simulan mong isulat ang lahat ng sinasabi ng guro upang manatiling alerto ang iyong isip. Maaari mo ring alug-alugin ang iyong binti o magpalit-palit ng posisyon sa iyong upuan. Mag-unat-unat.

  • Mag-isip ng mga bagay na bubuhay sa iyong imahinasyon, isang kakatwang pangyayari, at panatilihin mo iyon sa iyong gunita; pero huwag mo ring alisin ang iyong atensiyon sa iyong guro.

Sundan bukas.