SA Startalk namin unang nalaman na hiwalay na pala si Onemig Bondoc sa asawang Filipino-French na si Valerie Bariou. Umabot din ng halos walong taon ang kanilang pagsasama at nabiyayaan sila ng dalawang anak, 7 years old na ngayon ang panganay at isang taon pa lamang ang bunso.

Last year pa raw naghiwalay ang dalawa na inilihim nila sa media, pero dahil sa isinampang child custody case ni Onemig ng temporary protection order laban kay Valerie, naging laman ulit ng social media ang pribado na sanang buhay ng dating matinee idol.

Inakusahan ni Onemig na naging pabaya sa dalawang anak si Valerie. Palagi raw itong wala sa bahay kaya sa yay a at driver lang naiiwan ang kanilang mga anak.

Marami na raw insidenteng iniiwanan na lamang basta ni Valerie ang mga anak sa mga kasambahay at siya nama'y kung saan-saan pumupunta, kaya't ito ang nag-trigger kay Uno para isampa ang kaso sa child custody.

National

Hindi dadalo: VP Sara, 'di rin papanoorin SONA ni PBBM sa TV, gadgets

Dahil sa kanyang trabaho, tuwing weekend lamang umuuwi ng kanilang bahay ang dating aktor at lagi na lamang daw ganito ang dinadatnang situwasyon sa kanilang bahay kapag umuuwi siya.

Kapag tinatanong ang kanilang panganay, ang sagot nito'y mas gusto nitong sa kanyang tatay sila mapunta kaysa sa ina.