Sinuway ng isang Pinoy nurse ang panuntunan sa magandang asal kaya sinibak siya sa trabaho sa Tan Tock Seng Hospital sa Singapore matapos magpaskil ng mga komento laban sa mga Singaporean.

Ito ang iginiit ng Singapore Ministry of Health kasabay ng pagbibigay paalala sa mga healthcare professional, lokal man o dayuhan, na nagtatrabaho sa mga pampublikong institusyon sa bansa na respentuhin, maglingkod nang tapat at pairalin ang responsibilidad sa lipunan.

Inilarawan ng tanggapan ang mga online comment ni Ello Ed Mundsel Bello bilang “incompatible with the standards of behavior expected of hospital employees and are not representative of the values and behavior exhibited by the rest of the public healthcare community.”

Sinibak si Bello sa Tan Tock Seng Hospital matapos na ilang beses na magpaskil ng mga negatibong komento laban sa mga Singaporean sa kanyang Facebook at Google+ account noong 2014.

National

Tinapyasang budget ng opisina ni VP Sara, ‘di na dapat baguhin – Sen. Risa

Subalit napansin lang ng TTSH ang mga batikos ni Bello matapos itong maging viral sa nakalipas na mga araw.

Iginiit naman ni Bello na nahack ang kanyang FB at Google account at humingi na siya ng tulong sa pulisya. - Roy C. Mabasa