Hinimok ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) ang mga residente ng mga barangay sa Maynila na maglinis ng kanilang kapaligiran bilang bahagi ng paghahanda para sa papal visit sa Enero 15- 19.

Nanawagan ang mga opisyal ng CBCP sa mga kapitan ng barangay na pangunahan ang paglilinis ng kanikanilang nasasakupan.

Umapela rin ang CBCP sa mga Pinoy na magtutungo sa mga lugar na pupuntahan ni Pope Francis tulad ng Mall of Asia, Luneta, University of Sto. Tomas at Manila Cathedral na panatilihin ang kalinisan sa paligid.

Ipinaalala pa ng CBCP na kung ano ang makikita ng papa sa mga venue na pupuntahan niya ay maaaring maging salamin ng buong sambayanang Pilipino.

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

Paalala pa ng CBCP, hindi lamang dapat na habang nasa bansa ang papa panatilihin ang kalinisan kundi kahit pa sa mga panahong nakaalis na ito ng bansa.