Nakilala na ang lalaki na nagbitbit ng bomba habang naglalakad hanggang sumabog ito sa Barangay Lantangan, Pontevedra, Capiz, na ikinamatay ng isang magaaral sa Grade One at ikinasugat ng 15 iba pa.

Kinilala kahapon ni Gemalyn Disposado, ng Bgy. Tuburan, Maayon, Capiz, ang namatay na may bitbit ng bomba na si JorJohn Develos, alyas “Kulakig.”

Sinabi ni Disposado sa pulisya na kapatid niya ang nagkagutay-gutay ang katawan sa pagsabog kahapon.

Ang back pack ni Develos ay binuksan ng mga kasapi ng Explosive Ordinance Division ng Philippine Army ng Rehiyon 6 at nabatid na granada ang laman ng bag.

National

Pag-aresto kina Guo, isang hakbang para masiguro kaligtasan ng PH -- Gatchalian

Walang masabi si Disposado sa pagsabog at sa bombang itinatago ng kapatid, dahil bihira lang umano sila magkausap.

Napadaan lang umano sa Bgy. Lantangan si Develos, makaraang dumalaw ito sa ilang kamag-anak at pauwi na nang nangyari ang pagsabog.