NEW YORK (AP)– Napatalsik si Kevin Garnett mula sa laro kontra sa Houston matapos i-headbutt si Dwight Howard at ibato ang bola sa kanya.

Tinawagan din si Howard ng technical foul kahapon matapos ang umano’y forearm punch nito sa leeg ni Garnett.

Nagalit si Garnett matapos siyang tawagan ng foul laban kay Howard sa huling 7:53 ng first quarter, at kasunod nito ay nagtulakan ang dalawang manlalaro.

Itinapon nito pagkatapos ang bola sa likod ni Howard, at sa paghaharap ng dalawang manlalaro, iniuntog ni Garnett ang kanyang ulo sa may bibig ni Howard.

National

VP Sara, kinumpirma pag-relieve ng 75 personnel na itinalaga para sa proteksyon niya

Gumanti si Howard na gamit ang kanang kamao, at kahit pa napaghiwalay na sila, ilang ulit na sinubukan ni Garnett na muling makabalik kay Howard.