ILAGAN CITY, Isabela – Iniutos ng gobernador ng Isabela ang pagkansela ng trabaho at eskuwela sa Biyernes, Enero 16, upang mabigyan ng pagkakataon ang mga Katoliko sa lalawigan na makilahok sa mga aktibidad kaugnay ng pagbisita ni Pope Francis sa bansa sa susunod na linggo.
Sa Executive Order No. 1, series of 2015 ni Gov. Faustino G. Dy III ay iniutos ng gobernador ang pagkansela ng pasok sa mga tanggapan ng gobyerno, eskuwelahan at trabaho sa buong probinsiya upang magkaroon ang mga Isabelino ng pagkakataong mapagyaman ang kanilang pananampalataya sa mga aktibidad kaugnay ng pagbisita ng Papa sa bansa sa Enero 15-19.
Sinabi ni Dy na mahigit sa kalahati ng 1.5 milyong residente ng Isabela ay Katoliko.