Inihayag ng Department of Foreign Affairs ((DFA) na bukas para sa consular services ang ilang DFA Satellite Office (SO) sa Metro Manila sa Enero 17, Sabado.

Nabatid na magsasagawa ng serbisyong consular ang SO ng DFA sa NCR-Central (Robinsons Galleria), NCR-Northeast (Ali Mall), NCR-East (SM Megamall) at NCR-South (Metro Gaisano Alabang).

Mananatiling sarado sa publiko ang Aseana (Macapagal Boulevard) at NCR-West (SM Manila) sa Enero 17 bunsod ng mga aktibidad na gaganapin kaugnay ng pagbisita ni Pope Francis.

Base sa Proclamation No. 936, series of 2014, idineklara ng Malacañang ang Enero 15, 16, at 19 bilang special non-working day sa National Capital Region (NCR) upang bigyang daan ang pagbisita ng Papa sa Pilipinas.

Generals nag-walk out daw sa isang command conference; AFP, nagsalita na

Unang inihayag ng DFA noong Enero 6 na sarado ang DFA Aseana at lahat ng mall-based SO sa Metro Manila sa Enero 15, 16, at 19, 2015.

Para sa katanungan kaugnay ng pasaporte, magpadala ng e-mail sa [email protected].