Ni JAMES CHRISTIAN MAKALINTAL, trainee

ISA sa pinakaaabangang awards night ng taon ang 72nd Golden Globe Awards 2015. Hindi lingid sa kaalaman ng lahat na ito ang isa sa pinakamalaking pagtitipon ng mga artista ng telebisyon at pelikula. Isinasagawa ito ng 93 members ng Hollywood Foreign Press Association o (HFPA) na kumikilala sa kahusayan ng mga artista at galing ng mga bumubuo ng pelikula at telebisyon lokal man o banyaga. Ginanap ang Golden Globes noong ika-12 ng Enero, 2015 sa Beverly Hilton Hotel, Beverly Hills, California.

Bukod sa inaabangan ang resulta ng awards, pinakahihintay din ng mga manonood ang isusuot ng mga artistang magsisidalo sa nasabing awards night. Maaaring ang ibang nakapanood ng awards night sa kani-kanilang telebisyon ay pinanindigan ng balahibo sa garbo at kagandahan ng lahat ng mga taong dumalo sa Golden Globes.

National

VP Sara, sang-ayon sa 'assumption' ni FPRRD na 'drug addict' si PBBM

Narito ang lima sa Hollywood artists na mainit na pinag-usapan nitong nakaraang Awards Night: (1) Anna Kendrick bilang Cinderella sa Musical Film na Into the Woods suot ang kanyang Monique Lhuillier gown. (2) Isa sa tanong ng bayan, sa edad na 45, saan kinukuha ni Jennifer Lopez ang kakaibang ganda suot ang kanyang Zuhair Murad gown. (3) Isa sa pinakabagong pinaguusapan ngayon sa mundo ng telebisyon sa Amerika ay ang first timer sa Golden Globes na si Gina Rodriquez na may dugong Pinoy at bida sa TV series na Jane the Virgin suot ang kanyang Badgley Mischka gown. (4) First timer ito noong nakaraang Golden Globe Awards 2014 at hindi naitago ang galak sa kanyang mukha nang siya ang manalo bilang best dressed noong nakaraang taon. Hindi pa rin siya nagpahuli ngayon dahil isa ulit siya sa napiling pinakaglamorosa sa Golden Globe Awards 2015, Lupita Nyong’O suot ang kanyang Giambattista Valli gown at (5) ang binansagang “The Immaculate” na si Emma Stone na suot ang kanyang kakaiba at makinang na Lanvin