Mga laro sa Enero 27: (MOA Arena)

4:15 p.m. Kia vs. Globalport

7 p.m. Barangay Ginebra vs. Meralco

Agad na masusubukan kung may magiging malaking pagbabago sa koponan ng crowd favorite Barangay Ginebra sa pagbabalik ng kanilang run-and-gun game sa ilalim ng nagbabalik din nilang head coach na si Ato Agustin sa pagbubukas ng 2015 PBA Commissioner`s Cup sa Enero 27 sa MOA Arena sa Pasay City.

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

Nakatakdang sumalang ang Kings sa opening day ng second conference ng 40th season kontra sa Meralco.

Matapos ang dalawang conferences, kung saan nahirapan nang husto ang Kings at naapektuhan ang kanilang performance dahil sa adjustment sa triangle offense na nais sanang maituro sa kanila ni coach Jeffrey Cariaso, napilitan ang San Miguel Corporation management na palitan ang huli at ibalik si Agustin dahil na rin sa kahilingan ng mga player.

Sa kanyang muling pag-upo bilang Kings head coach, nilinaw naman ni Agustin na muli nilang gagamitin ang kanilang naging istilong run-and-gun game para mas maging epektibo ang kanilang mga beteranong guards na sina Mark Caguioa, LA Tenorio, Chris Ellis at Joseph Yeo.

Mahuhusgahan kaagad ang epekto ng pagbabalik nila sa nakasanayang uri ng laro sa pagsalang nila laban sa Bolts na malaki rin ang naging pag-angat na ipinakita sa laro matapos gapiin ang dating grandslam champion na Purefoods Star sa nakaraang quarterfinals ng kasalukuyang Philippine Cup.

Magtutuos ang Kings at Bolts sa ganap na alas-7:00 ng gabi matapos ang unang laro sa pagitan naman ng Kia at Globaport Batang Pier sa ganap na alas-4:15 ng hapon.

Kapwa wala pang inihahayag ang Kings at Bolts kung sino ang kanilang magiging imports sa second conference na inaasahang magkakaroon din ng malaking papel sa ipapakita nilang laban sa opening day.