Winalis ng Adamson University (AdU) ang Far Eastern University (FEU), 25-20, 25-21, 25-23, upang makisalo sa men`s defending champion National University (NU) sa liderato sa pagpapatuloy ng UAAP Season 77 men’s volleyball tournament sa Mall of Asia Arena.

Dahil sa panalo, tumapos ang Falcons sa first round sa pamamagitan ng pagwalis sa huling anim nilang laro matapos mabigo sa una nilang laban kung saan ay hawak nila ang barahang 6-1.

Nagtala ng 10 puntos at 9 na digs si Michael Sudaria habang nag-ambag naman ng pinagsamang 16 na hits sina Juan David at John Yulde para pamunuan ang nabanggit na panalo ng Falcons.

Namuno naman para sa losing cause ng Tamaraws na nagtapos na may barahang 2-6 (panalo-talo) si Greg Dolor na nagtala ng 14 puntos.

National

'Pinakamataas mula 2008!' Self-rated poverty, tumaas sa 58% nitong Q2 ng 2024

Magkasalo naman sa ikalawang puwesto na hawak ang barahang 5-2 ang University of Santo Tomas (UST) at Ateneo habang nakasunod naman sa kanila ang University of the Philippines (UP) na may barahang 3-4. Nakasunod naman sa kanila ang La Salle na nagtapos na may 1-6 kartada habang wala pang naipapanalo ang season host University of the East (UE).

Magpapatuloy ang second round sa Enero 21, gayundin sa women’s division, matapos ang isang linggong break para sa pagbibigay daan sa Papal visit.