Nagkaisa ang mga kongresista mula sa oposisyon at administrasyon sa pagbatikos sa mga opisyal ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA) kaugnay ng nakaambang pagsasama ng terminal fee sa airline ticket bunsod ng nakabimbin na petisyon sa korte hinggil sa naturang isyu.

Binatikos ni OFW Family Party-list Rep. Roy Señeres ang mga opisyal ng NAIA, sa pangunguna ni General Manager Jose Angel Honrado, sa isinusulong na implementasyon ng awtomatikong pagsasama ng terminal fee sa airline ticket dahil hindi pa nakapagpapalabas ng desisyon ang Pasay City court hinggil sa petisyon na inihain laban dito.

“Nakabimbin pa ang kaso sa korte. Humingi pa nga ng palugit ang NAIA upang makapaghain ng ilang kahilingan,” pahayag ni Señeres.

Kinuwestiyon din ng kongresista ang pahayag ng airport authorities na layunin ng terminal fee integration, na planong ipatupad sa Pebrero 1, na maibsan ang pagsisiksikan ng mga pasahero sa NAIA.

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

“Nagsagawa kami ng ocular inspection ni Congressman Walden Bello kasama ang mga lider ng OFW at nakita namin na wala namang pagsisiksikan (sa NAIA terminal),” pahayag ni Señeres.

Pinagpapaliwanag din ni Bello, chairman ng House Committee on Migrant Workers, ang mga opisyal ng NAIA hinggil sa kanilang naging obserbasyon sa paliparan.

Milyun-milyong OFW ang nagreklamo laban sa pag-iisa ng airport terminal fee sa kanilang plane ticket, iginiit na paglabag ito sa mga probisyon ng RA 10022 o naamyendahang Migrant Workers Act na nagbibigay exemption sa mga katulad na bayarin.

Orihinal na ipatutupad sana ng gobyerno noong Nobyembre 2014, hindi pa rin nakapagpapalabas ng desisyon si Pasay City Judge Tingaraan Guiling sa petisyon na kumukuwestiyon sa legalidad ng integrated terminal fee. - Ben Rosario