PARIS (Reuters) – Nagkapit-bisig ang mga lider ng mundo, kabilang ang mga Muslim at Jewish statesmen para pamunuan ang mahigit isang milyong mamamayang French sa Paris sa hindi pa nasaksihang martsa upang magbigay-pugay sa mga biktima ng pag-atake ng Islamist militant.

Sinabi ng mga commentator na ang huling pagkakataon na nasaksihan nila ang ganitong karaming tao na pumuno sa mga lansangan ng kabisera ay sa Liberation of Paris mula sa Nazi Germany noong 1944.

Umalis sina President Francois Hollande at mga lider ng Germany, Italy, Turkey, Britain gayundin sa Israel at Palestinian territories mula sa central Place de la Republique at sumunod sa kanila ang dagat ng mga bandila ng France at iba pang bansa.

Labimpitong katao, kabilang ang mga mamamahayag at pulis ang, namatay sa tatlong araw na karahasan na nagsimula noong Miyerkules sa shooting attack sa political weekly na Charlie Hebdo, kilala sa kanyang satirical attacks sa Islam at iba pang relihyon.

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente

Mga higanteng letra na ikinabit sa isang estatwa ang bumuo sa mga katagang Pourquoi?” (Why?) at isang maliit na grupo ang umawit ng “La Marseillaise” national anthem.

“Paris is today the capital of the world. Our entire country will rise up and show its best side,” ni Hollande.

May 3.7 milyong katao ang nakiisa sa mga tahimik na martsa sa buong bansa, ang pinakamalaking public demonstration na narehistro sa France. May kabuuang 1.2 milyon hanggang 1.6 milyong martsa sa Paris at karagdagang 2.5 milyon sa iba pang lungsod, ayon sa Interior Ministry.

Tahimik na nagpatuloy ang mga martsa, sumasalamin sa pagkagimbal sa pinakamadugong militant Islamist assault sa isang lungsod sa Europe simula nang 57 katao ang namatay sa atake sa transport system sa London noong 2005.

Ang mga salarin, magkapatid na lalaking isinilang sa France at may dugong Algerian, ay lumusob sa opisina ng pahayagan na naglalathala ng mga cartoon na kumukutya kay Prophet Mohammad. Nagtapos ang pagdanak ng dugo noong Biyernes sa hostage-taking sa isang Jewish deli na ikinamatay ng apat na hostage at ng kanilang kasabwat na gunman.

May 2,200 pulis at sundalo ang nagpatrulya sa mga lansangan ng Paris para protektahan ang mga nagmamartsa mula sa mga magtatangkang aatake, kabilang ang police snipers sa mga bubungan at plain-clothes detectives na nakikihalo sa mga tao.

Kabilang sina German Chancellor Angela Merkel, British Prime Minister David Cameron at Italian Prime Minister Matteo Renzi sa 44 banyagang lider na nagmamartsa kasama si Hollande. Nakimartsa din sina Israeli Prime Minister Benjamin Netanyahu at Palestinian President Mahmoud Abbas.