Personal na inako ni San Miguel Beer coach Leo Austria ang pagkukulang kung bakit natalo ng Alaska ang kanilang koponan, 78-70, at makuha ang 2-1 bentahe sa kanilang best-of-seven finals series noong nakaraang Linggo sa Game Three ng PBA Philippine Cup sa Smart Araneta Coliseum.
``I would like to let you know that this loss is my full responsibility,`` pahayag ni Austria sa post game interview. ``I wasnt able to control the game. This is my responsibility.``
Ayon pa kay Autsria, gaya ng nangyari sa kanila sa Game One, napakarami na naman nilang nagawang turnovers na napuwersa ng matinding depensang ipinakita ng Alaska.
Inamin din ng Beermen mentor na wala naman siyang magawa kundi ang magpaalala lamang sa kanyang mga manlalaro kung ano ang dapat na gawin sa loob ng court.
At kahit gaano pa katindi ang pisikal na nangyayari, hindi naman sila puwedeng umangal na lamang ng umangal dahil inaasahan na ito sa ganitong level ng laro.
``You cannot expect for fouls from the refs because it`s the finals. We got turnovers from entry passes. We tried to get the ball to Junemar (Fajardo ) on the shaded area but it doesn`t get there,`` paliwanag pa nito.
Dahil dito, nawala sa focus ang kanyang mga manlalaro na naging sanhi upang tuluyan silang mawala sa laro.
``Alaska they have a lot of talented players. They have veterans there they know what the situation is. We panicked. I congratulate Alaska for the job well done,`` ayon pa kay Austria.
Sa kabila ng muling pagkaiwan sa serye, optimistiko pa rin ang Beermen coach sa kanilang tsansa.
``This is a long series and we’re capable of winning. The potential is there, it’s up to us.``