PARIS (AFP) – Ang pabalat sa unang edition ng French satirical weekly na Charlie Hebdo simula nang madugong pag-atake ng Islamist gunmen noong nakaraang linggo ay nagpapakita ng cartoon ni Prophet Mohammed na umiiyak at may hawak na karatulang nasasabing “Je suis Charlie” sa ilalim ng mga salitang: “All is forgiven”.

Inilabas ang front page sa media bago ang publikasyon ng magazine ngayong Miyerkules (Huwebes sa Pilipinas). Tatlong milyong kopya ng special “survivors’ edition” ang inilimbag at mabibili sa 25 bansa, isinalin sa 16 na lengguwahe bunga ng international demand.

Sumumpa ang nalalabing empleado ng Charlie Hebdo na ipagpapatuloy ang kanyang tradisyon ng pagtalakay sa lahat ng relihiyon, politico, celebrities at news events.
Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente