BALIK sa limelight at sirkulasyon ng entertainment industry si Malu Barry.

Life begins at 40. Ititch ang patutunayan ng tinaguriang sultry and fiery diva sa kanyang nalalapit na concert titled Malu Barry... The One & Only na gaganapin sa The Music Hall at Metrowalk, Ortigas sa January 29, 9:30 PM. Mura lang ang tiket. Kering-keri ng bulsa.

Pero bukod sa Jan. 29 concert niya, mauuna muna siyang mag-show sa Jan. 15 sa E-Games Resto Bar in Quezon Avenue near National Bookstore na pag-aari ni Friendship Perry Mariano na dating owner ng Spindle kung saan sumikat si Malu together with Rico J. Puno. Sa Spindle din lagi siya pinapanood noon ng pamosong movie director na si Lino Brocka (SLN) na nahaling nang husto sa boses niya kung kaya ginawa siyang artista sa pelikulang Kislap sa Dilim, at nagkasunud-sunod na maging sa pelikula ng iba pang mga direktor tulad ng Vizconde Massacre, Kumukulong Dugo, Annabelle Huggins Story, Laro Sa Baga, Minsan Pa, Halik Sa Tubig, Spirikitik, atbp.

Madalas ding naiimbitahan para mag-show si Malu sa abroad lalo na sa Los Angeles at sa Japan.

Politics

'Tropang angat' De Lima, Robredo, Hontiveros, reunited sa isang kasalan!

And take note, si Perry din ang owner noon ng Thunderdome na maraming sexy dancers na naging sexy stars at ‘yung ilan ay yumaman na ‘coz ginamit ang utak, ganda ng fez at wankatitat. Kung sinex sila? Huwag na! My lips are sealed na, period, walang comma!

Samantala, free entrance ang show ni Malu Barry sa bar ni Perry.