SAN ISIDRO, Nueva Ecija - Isang 43-anyos na construction worker ang nasawi habang sugatan naman ang dalawa niyang anak na lalaki makaraan silang pagbabarilin ng isang hindi nakilalang lalaki habang sakay sila sa service tricycle at pauwi na sa NIA Road sa Barangay Malapit sa bayang ito, noong Linggo ng hapon.

Sa report na ipinarating ng San Isidro Police kay Senior Supt. Crizaldo O. Nieves, director ng Nueva Ecija Police Provincial Office, kinilala ang nasawi na si Reymundo Anselmo y Tan, may asawa, habang sugatan ang mga anak niyang sina Jonathan Anselmo, 21, may asawa; at Jeric Anselmo, 17, binata, pawang residente ng Pinagpala Drive, Bgy. San Nicolas, Gapan City.

Sa pagsisiyasat ni PO2 Richard S. Bondoc, dakong 5:15 ng hapon at galing sa trabaho ang tatlo sakay ng tricycle nang biglang sumulpot ang isang Honda XRM motorcycle na walang plaka at pinagbabaril ng naka-helmet na suspek ang mag-aama.
National

Bagyong Carina lumakas pa, isa nang ganap na tropical storm