SACRAMENTO, Calif.– Posibleng magbalik na si LeBron James sa aksiyon bukas kung saan ay makakaharap ng Cleveland Cavaliers ang Phoenix Suns.
Ito’y nang makitang nasa tamang pangangatawan na si LeBron sa kanilang naging pagsasamay kahapon, ayon sa league sources sa Yahoo Sports.
Umaasa si Cavaliers coach David Blatt na makapagsasanay ngayon si James sa Phoenix. Dalawa pang sources ang nagsabing makapagpapartisipa si James.
Naimintis na ni James ang walong sunod na mga laro sanhi ng left knee at lower back strains, kasama na ang kanilang laro kontra sa Sacramento Kings. Hindi naman iniulat ni Blat tang posibilidad na makapaglalaro si James bukas.
“Right now we’re in a stage where he is shooting and he is moving,” pahayag ni Blatt. “He’s running through sets. He still hasn’t done live work. [Monday] we will see if we can do that with him.”
Nakibahagi si James ng 25-minuto sa shooting at dribbling workout na nagpalakas ng intensidad bago ang laban sa Kings. Ang intensidad ni James sa partisipasyon ng pagsasanay ngayon ang magiging basehan kung ano ang kanyang tunay na nararamdaman, ayon sa team official. Inihayag ng Cavaliers noong Enero 1 na ang 11-year NBA veteran ay inaasahang mawawala ng dalawang linggo.
Ipinaliwanag ni Blatt na ‘di pa siya sigurado sa paglalaro ni James ngayon ngunit sinabi nito na, “very possible” na sasabak ito sa mga kasalukuyang road trip ng koponan na kinabibilangan din ng Los Angeles Lakers at Clippers sa linggong ito.
“We entered this process with the expressed idea of getting him back 100 percent,” pahayag ni Blatt. “When he’s ready, that’s when he will play.”
Gigil na si James na makabalik sa malaking bahagi pa ng mga laro dahil na rin sa may injury din ang kanyang ibang teammates, ayon sa sources.
Kinailangan ni James na magkaroon ng kahit isang solidong pag-eensayo bago magbalik sa laro, ayon sa source. Idinagdag sa Cavaliers sina center Timofey Mosgov at guards Iman Shumpert at J.R. Smith sa naganap na trades simula nang mawala si James sa lineup sanhi ng kanyang injuries.
Si James, 30, ay may average na 25.2 points, 7.6 rebounds at 5.3 assists sa season na ito. Ang magkakasunod na mga laro na ‘di siya nakita sa aksiyon ay ang lima noong 2007-08 season sanhi ng finger injury.