Sa kabila ng kabi-kabilang paratang ng katiwalian, pumalo pa rin sa 65 porsiyento ng mga Pilipino ang kuntento sa performance ni Vice President Jejomar C. Binay base sa huling resulta ng Social Weather Stations (SWS) survey.

“The result of the recent SWS survey clearly indicates that Vice President Jejomar C. Binay has still the continued trust and full support of the Filipino people despite the intensified campaign of lies and pattern of deceit waged by his political detractors in the Senate to discredit his accomplishments and track record as a proven public servant,” pahayag ni Atty. Rico Paolo Quicho, ang Vice Presidential Spokesperson for Political Affairs.

Isinagawa ang fourth quarter ng 2014 Social Weather Survey noong Nobyembre 27-Disyembre 1,2014 at nakakuha si Binay ng “good” rating sa kanyang net satisfaction rating na +44 noong Disyembre 2014. Ang huling marka/grado na nakuha ng bise-presidente ay bumaba ng walong puntos buhat sa dating very good +52 rating noong Setyembre 2014.

Sa ginawang 18 survey simula Setyembre 2010, nakamit ni Binay ang “excellent” rating ng walong beses, siyam na ulit ang grado na “very good” at isang “good”.

National

Romina, patuloy na kumikilos pahilaga; hindi na nakaaapekto sa Kalayaan Islands

Ipinakikita sa parehong survey na para sa sambayanang Pilipino ay ang Bise Presidente ang nakikitang pinakamahusay para pumalit kay Pangulong Benigno S. Aquino III sa 2016 matapos makuha ang 37 porsiyento ng boto.

Nagpasalamat ang Bise Presidente sa mga taong hinusgahan siya sa pamamagitan ng ipinamalas na serbisyo at pagtatrabaho sa kabila ng pinaigting na paninira sa kanya ng kanyang mga kritiko.