Kim Kardashian

INAMIN ni Kim Kardashian na nahihirapan sila ng kanyang asawa na si Kanye West na makabuo ng pangalawang anak.

“When you’re not planning it, it happens. It’s just how God works,” pahayag ni Kardashian,34, sa Daily Mail.

Ngayon na sinusubukan nilang sundan at bigyan ng nakababatang kapatid ang kanilang anak na si North West, sinabi ni Kardashian na marami na silang ginawang paraan.

National

MMDA gagamit ng high-tech mobile command center sa SONA

“When you want it so bad, it’s not happening,” pahayag ni Kardashian.

Ang pinagdadaanan at nararanasang paghihirap ni Kim ay mapapanood sa ikasampung serye ng Keeping Up with the Kardashians, upang palakasin ang loob ng ibang kakabaihan na katulad ng kanyang pinagdadaanan. - Daily Mail