MAGIGING marahas ang mga kilusang sa taon na ito lalo na sa mga lalahukan ng mga kabataan. Hindi na sila magiging kuntento sa magtitipon na lang para isigaw ang kanilang saloobin. Kung anong uri ang gagawin nila ngayon ay ipinasilip na nila sa atin noong nakaraang taon.

Natatandaan ba ninyo iyong naganap sa University of the Philippines kung saan naimbitahan si Budget Secretary Butch Abad na magsalita bilang resource speaker sa Department of Economics ng nasabing paaralan? Binato siya ng mga binilot na papel. Ang isa sa mga mag-aaral ay kinwelyuhan pa siya. Bakit ko ganito nakikita ang mga mangyayari sa 2015?

Masyadong binigo ng administrayong Aquino ang taumbayan. Ang kalinisan sa pamamahala na ipinangako niya sa mga salitang “Tuwid na Daan” at “Kung Walang Corrupt, Walang Mahirap” noong nangangampanya siya para sa panguluhan ay laway lamang pala.

National

5.9-magnitude na lindol, yumanig sa Southern Leyte; Aftershocks at pinsala, asahan!

Sa isyu ng katiwalian at pagmamalabis sa kapangyarihan ng bayan ay walang ring pinag-iba ito sa kanyang pinalitang administrasyon. Ang tiwala ng mamamayan na may pagbabagong gagawin ito o mangyayari sa ilalim ng kanyang pamamahala ay lalong sinamantala nito. Garapalan at malakihan pa kung nakawan ang kaban ng bayan.

Kaya ganoon na lang ang galit ng mga mag-aaral kay Abad. Sa ilalim ng administrasyong Aquino, siya kasi ang gumawa ng sistema ng pandarambong at nakabaon na ito sa sistema ng paggogobyerno. Sukat ba namang ipunin mo ang budget ng iba’t ibang sangay ng gobyerno sa ilalim ng opisina ng Pangulo at gastusin mo ang napakalaking salaping ito nang walang patumangga sa ikapinpinsala ng taumbayan. Halimbawa, ang MRT at LRT para mapatakbo ang mga ito ng matino ay sukat ba namang isama mo sa DAP.

Anong klaseng mga tren ngayon ang mga ito na inilalagay na nga sa panganib ang buhay ng mga pasahero ay sisingilin mo pa sila ng mataas na pasahe? Hindi na pinapansin ng mga nasa gobyerno ang kilos-protesta?