Ni REMY UMEREZ

SA tuwing sasapit ang Bagong Taon ay naglipana ang mga self-proclaimed psychic na may kanya-kanyang prediksiyon sa career o personal na buhay ng iba’t ibang celebrity.

Isa si Judy Ann Santos sa hinulaan, magkakaroon daw siya ng problema sa kanyang asawang si Ryan Agoncillo.

Tinawanan lang ng young superstar ang hulang ito sa kanya, sabay wikang, “I know my husband better.”

National

Patutsada ni Hontiveros: Guo, nakakapag-Facebook pero 'di makaharap sa Senado

Samantala, may humula rin na ngayong 2015 ay magbubuntis daw si Juday na ikinatuwa ng host ng Bet Your Baby.

“Sa wakas hindi nega ang kanilang hula at sana ay magkatotoo. Gustung-gusto naming magkaanak this year. Thirty seven na ako at kung patatagalin pa ay baka ako ang mahirapan. Gusto naming babae ang maging baby namin. Feel ko talaga ang magsilang ng girl dahil masarap damitan,” pahayag ng aktres.

Handang isakripisyo pansamantala ni Juday ang masiglang career niya matupad lamang ang kanilang hinihiling sa Panginoon.