IKINULONG ang anak ni Jackie Chan na si Jaycee Chan na magtatagal ng anim na buwan dahil sa paggamit ng bawal na gamot.

Dinakip si Jaycee noong Agosto 2014 habang sumisinghot ng marijuana sa isang foot massage parlor sa Beijing. Ang pagdinig ng kaso ay inilabas sa publiko sa Sina Weibo sa Beijing Dongcheng People’s Court.

Nitong nagdaang taon, pinagtibay ang morality code sa mga artista na gumagamit ng bawal na gamot o bumibisita sa mga prostitute.

“I have violated the law and I should be punished,” pag-amin ni Jaycee.

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

“After I return to the society, I will definitely not make a mistake again because I have made my family and friends disappointed for one more time. I have gotten the punished I deserve, but it doesn’t mean I have been forgiven. I hope I can use my actions in the future to get the forgiveness and to pass positive energy,” patuloy niya.

Hindi dumalo sa pagdinig ang ama niyang si Jackie, ngunit ayon sa ulat ng China News Agency ay sinabi nito sa kanyang abogado na huwag paikliin ang sentensya.

“Because he is the son of Jackie Chan and because he has broken the law, if he is out in less than a week, how would other people see Jackie Chan and Jaycee Chan? We are celebrities, and we have to follow the law.” Yahoo News/The Hollywood Reporter