Sapagkat nakauunawa na ang ating mga anak paghantong nila sa hustong gulang, mas mainam na ipasa na lamang natin sa kanila ang ating mga natutuhan sa buhay pati na ang mga pangaral ng sarili nating mga magulang. Tumatak nawa ang mga pangaral na ito sa kanilang isipan. Ipagpatuloy natin...

  • Alagaan mo ang iyong kalusugan – pisikal, mental, pinansiyal, at espirituwal.
  • Huwag kang magreklamo. Magpasya kung ano ang kaya mong tiisin at mag-move on sa buhay. Magtakda ng mga limitasyon – sa trabaho, sa pamilya, sa mga kaibigan, sa organisasyon.
  • National

    50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

  • Mahalaga ang lahat ng bagay, lalo na yaong maliliit – malayo ang nararating ng taong may manners.
  • Magpasalamat sa Diyos sa lahat ng mabubuting bagay na nangyayari sa iyo araw-araw.
  • Asahan mong papalpak ka paminsan-minsan. Matuto ka sa iyong mga pagkakamali. Kapag nadapa, bumangon, at ituloy ang pagsulong. Kumilos ka ng may integridad sa lahat ng oras.
  • Mangarap ka, kahit imposible mangyari. Magugulat ka rin kapag nangyari nga ang mga iyon.
  • Kumustahin mo ang iyong mga magulang. Maaari ngang may mga nagawa silang hindi tama ngunit nagsikap silang palakihin ka sa pagmamahal at edukasyon. Huwag hayaang may sumira ng mga bagay na mahalaga sa iyo, kahit boss mo partner in life mo pa siya.
  • Hindi mo kailangang maglamay ng isang trabaho; may bukas pa. Huwag kang masyadong seryoso sa buhay. Huminga nang malalim. Tumawa. Humalakhak. Humagakpak sa katatawa kahit magmukha ka pang sira-ulo.
  • Makinig ka sa iyong kutob dahil malamang na tama iyon. Makipagsapalaran ka. Huwag urungan ang paghamon.
  • Ang “Hindi” ay isang kumpletong pangungusap. Period.