GERONA, Tarlac - Isang guro ang nahaharap ngayon sa mabigat na kaso matapos niya umanong abusuhin ang estudyante niya sa Grade 3 sa isang Catholic school sa Barangay Poblacion 3, Gerona, Tarlac.

Sampung taong gulang lang ang mag-aaral na nagreklamo ng pang-aabuso laban kay Jeremie Perez, 36, guro, ng Bgy. Pinasling, Gerona, Tarlac.

Sa imbestigasyon ni PO3 Levy Melchor Santos, isinagawa ang pang-aabuso dakong 4:30 ng hapon nitong Enero 8.

Ipinagtapat ng bata sa ina ang pang-aabuso umano ni Perez, na nagbantang papatayin ang bata kapag nagsumbong.

Politics

'Grief and mourning are not the same!' Anak ni Enrile, may napagnilayan sa pagpanaw ng ama

Agad namang naaresto si Perez.