Nagbabala ang Food and Drug Administration (FDA) laban sa hindi rehistradong glutathione kit na ipinagbibili online o sa pamamagitan ng ilang dermatology clinic.

Batay sa advisory, sinabi ng FDA na ang mga ganitong uri ng kit na naglalaman ng glutathione at injectable vitamin ay nangangailangan ng reseta.

Ayon pa sa FDA, dapat na isang health care practitioner ang nangangasiwa sa paggamit nito.

Nabatid na ang Glutax 5GS kit ay naglalaman umano ng: Glutathione 5000 mg + Alpha Lipoic Acids 200 mg (Glutax 5GS) Powder for Injection in glass vial, Vitamin E 300 mg + Pro-Vitamin B3 250 mg + Pro-Vitamin B5 100 mg solution for injection in glass ampule; at Ascorbic acid 1500 mg/Collagen extract 350 mg solution for injection.

Romualdez, nanawagan sa Kamara: 'Let us reject baseless accusations!'

Pinayuhan pa ng FDA ang publiko na huwag bumili ng nasabing produkto, dahil hindi ito dumaan sa pagsusuri ng ahensiya.