Coco Martin

AFTER the very successful horror film na Feng Shui 2 nila ni Kris Aquino ay magko-comedy naman si Coco Martin.

And this time, si Vice Ganda naman ang makakasama niya.

Hindi pa man sila lubusang nakikilala sa showbiz at naghahanap pa lang ng suwerte sa industriya ay magkaibigan na sina Coco at Vice Ganda. Ngayon ay pareho na silang umani ng malalaking tagumpay sa telebisyon man o pelikula.

National

Sultan Kudarat, niyanig ng magnitude 5.0 na lindol

Sabi ni Coco, bilang artista ay importante na masubukan niya ang lahat ng genre para lalong mahasa ang kaalaman niya sa pag-arte. Kaya nga raw kahit wala siyang karanasan sa pagpapatawa ay kailangan din niyang subukin ang comedy.

First time nilang magkakasama sa pelikula ni Vice Ganda. Dati na silang nagkasama sa Juan dela Cruz pero guest lang si Vice kaya madalian lang ang papel ng host ng Showtime.

Bukod sa comedy movie nila ni Vice ay gagawin din ni Coco ngayong taon ang rom-com movie with Toni Gonzaga.

Super thankful ang alaga ni Mader Biboy Arboleda sa sunud-sunod na magagandang proyektong gagawin at abut-abot ang pasasalamat niya sa Star Cinema sa tiwalang ibinigay sa kanya.

Gusto ring makagawa ng teleserye ni Coco ngayong 2015 pero as of now, wala pang nabubuong konsepto ang creative think-tank ng ABS-CBN na babagay uli sa aktor.

Definitely, no Coco M. serye muna ngayong first quarter kaya abangan na lang natin sa second quarter kung mapapanood uli sa TV ang magaling na aktor.