Aiza & Liza

SA The Buzz nitong nakaraang Linggo, ipinaliwanag nina Aiza Seguerra at Liza Diño na ang ginanap na kasal nila sa Laiya, Batangas ay ‘symbolic wedding’ lamang.

Marami kasing netizens ang nagri-react sa ginawang kasalan-by-the beach. Lalo pa’t hindi naman kasi kinikilala ang same sex marriage sa Pilipinas.

Una nang ikinasal sina Aiza at Liza nitong nakaraang Disyembre sa California na dinaluhan ng kani-kanilang pamilya at malalapit na kaibigan.

National

Agusan del Sur, nilindol ng magnitude 5.3

Naging madali ang kanilang pagpapakasal doon dahil allowed ang same-sex marriage sa Amerika. Isa pa’y permanent resident ang status ni Liza sa US.

Kaya’t nilinaw ng singer-actress na seremonyas lamang at hindi kasal ang naganap sa Batangas.

“We didn’t sign any papers here, hindi kami nagpunta sa city hall. It’s a ceremony with friends and family,” paglilinaw ni Aiza.

“We call it it a symbolic ceremony kasi, of course, we’re married na in the US,” sey pa niya. Para nga daw ma-witness ng mga kamag-anak at mga kaibigan na hindi nakadalo sa US.

After ng kasalan, moving forward na sina Aiza at Liza sa susunod nilang plano, ang magka-baby.

Pahayag ng nanay ni Aiza na si Caridad Seguerra, napag-uusapan na ang pagkakaroon nila ng baby.

“May donor na, may procedure na. Maybe this year, maybe next year. Tinapos lang nila ang event na ‘to. Susunod naman, ‘yun (baby) naman,” masayang deklara ni Mommy Caring sa media na dumalo sa Batangas beach.