GENERAL SANTOS CITY - Siyam na katao, kabilang ang tatlong menor de edad, ang dinampot ng pulisya matapos masamsam sa kanila ang P1.3-milyon halaga ng shabu sa operasyon sa Sto. Niño, South Cotabato.

Sinabi ni Chief Insp. Joel Fuerte, hepe ng Sto. Niño Police, na sinalakay ng kanyang mga tauhan ang bahay ng hinihinalang drug dealer na si Mozid Alamada sa Barangay Ambalgan, sa bisa ng search warrant na ipinalabas ni Municipal Trial Court Judge Marlo Brasales.

Nabawi ng raiding team ang 116 na gramo ng shabu na nagkakahalaga ng P1.3 milyon.

Ayon kay Fuerte, kabilang si Alamada sa mga personalidad na itinuturing na most notorious drug pushers ng lokal na pulisya.

National

Romina, patuloy na kumikilos pahilaga; hindi na nakaaapekto sa Kalayaan Islands

Dinampot din ng pulisya sinaTunga Saniban at Jonathan Acoy, kapwa residente ng South Cotabato; Nielving Colmo at Jun Mark Demetillo, ng Poblacion, Surallah, South Cotabato; at Camarudin Kansay, ng Bgy. Ambalgan.

Inilipat naman ng pulisya ang tatlong naarestong menor de edad sa kustodiya ng kani-kanilang magulang habang iniimbestigahan ang insidente. - Joseph Jubelag