Tinapos ng Perpetual Help ang unbeaten streak ng Lyceum makaraan ang clinical 25-18, 25-16, 25-19 victory at kunin ang unang finals berth ng 90th NCAA junior volleyball tournament sa The Arena sa San Juan City.

Pinamunuan ni power-hitting Ricky Marcos at Malden Dildil ang atake kung saan ay may kumbinasyon sila na 15 at 14 puntos, ang 14 at 12 ay nagmula sa mga atake na nagdala sa Junior Pirates sa napakasamang depensa sa net.

Nang kontrolin nina Marcos at Dildil ang pag-atake, ang tambalan nina Jody Margaux Severo at EJ Gabriel Casana ang nagsagawa naman ng depensa na siyang nagpabagal sa attackers ng Lyceum.

Nang maklaro ang lahat, nagkaroon ng kumbinasyon sina Severo at Casan ng anim sa walong blocks ng koponan upang iselyo ng Junior Altas ang kanilang ikalawang panalo sa semis na sumiguro sa unang berth sa best-of-three finale na hahataw sa Enero 21.

National

VP Sara sinabing si Romualdez ang gustong pumatay sa kaniya

“Compared to our first meeting when we lost, we were more prepared this time. Our defense carried us through,” saad ni Perpetual Help coach Sandy Rieta.

Ito ang unang pagkatalo ng Lyceum sa season matapos ang walong mga laro, kasama na ang seven-match sweep sa elimination round.

Ang isa sa naging panalo ng Lyceum ay nagmula sa Perpetual Help, 25-16, 28-26, 14-25, 25-22, win noong Nobyembre 25.

Ngunit natagpuan ng Perpetual Help ang daan upang tapusin ang nasabing winning streak.

Ang iba pang finals spot ay paglalabanan ng Lyceum at Emilio Aguinaldo College (EAC), kapwa table sa No. 2 na taglay ang 1-1 (win-loss) records.

Nabuhayan ang Brigadiers nang dispatsahin ang Staglets, 25-27, 25-19, 25-20, 17-25, 15-8, upang puwersahin sa knockout duel laban sa Junior Pirates.