Raymart Santiago

PINANSIN sa presscon ng bagong drama series ng GMA-7 na Second Chances nang ipakita sa trailer na dalawa o tatlong beses na topless ang leading man na si Raymart Santiago. First time yata na ipinakita niya ang kanyang hunky physique.

At 41, napapanatili ni Raymart ang maganda niyang pangangatawan. Hindi ba siya tumanggi sa mga eksenang iyon?

“P’wede ka bang tumanggi kay Direk Laurice (Guillen)?” natatawang sagot ni Raymart. “Actually, nag-gain na nga ako ng weight ngayon. Pero hindi mo nga p’wede tanggihan ang director mo, kahit first time ko ngang ginawa ito ngayon. Hindi naman ako nailang na kunan ang topless scene ko dahil nasa beach naman ako.”

National

Ex-Pres. Duterte, nagsalita hinggil sa umano'y 'polvoron' video ni PBBM

Biniro tuloy si Raymart kung naghahanda na siya sa iba pang sexier scenes sa bago niyang drama series sa GMA-7. O baka gusto na niyang mag-join sa Cosmo Bash?

“P’wede pa ba ako?” natawang sagot niya. “Iyon ang dapat ko munang paghandaan. Hindi pwedeng basta na lang papasok sa ganoon.”

Sa Second Chances, gagampanan ni Raymart ang role ng isang single father, si Bernard Castelo, na naiwanan sa kanya ang isang anak na lalaki ng yumaong asawa. Muli siyang umibig at nagbago ang buhay nang makilala si Lyra Bermudez (Jennylyn Mercado). Si Lyra na ang second chance ni Bernard para muling lumigaya.

Ready na ba siyang magmahal muli dahil single na siya?

“Sira ang buhay ko ngayon, ayoko namang pasukin iyong buhay na maging kami at sisirain ko rin ang buhay niya.”

Paano kung ang bagong mamahalin pala ang muling bubuo sa buhay niya?

“Hindi, eh, parang marami pa akong mga kaso-kaso. Ayokong madamay kung sinuman iyong darating.”

Pero napipigilan ba ang puso?

“Oo, pero may korte,” at napatawa si Raymart. “Ang puso okay lang, eh, ang korte, nand’yan.”

Kaya sarado muna ang puso niya, kung hanggang kailan, hindi raw niya alam.

Ngayong may anak siyang lalaki sa story, hindi ba niya nami-miss ang mga anak niya, sina Santino at Sabina? May communications pa ba sila ni Claudine Barretto?

“Nami-miss, sobrang miss ko na sila, pero wala akong magagawa, malayu-layo pa ang tatakbuhin ng custody case namin. Nagkakausap lang kami kapag kailangang ipa-check-up niya sa hospital ang mga bata. Pero hindi niya ipinakikita sa akin ang mga anak ko. Ganu’n lang, hindi rin kami nagbatian noong Christmas at New Year.”

Mamayang gabi, January 12, mapapanood na ang Second Chances pagkatapos ng Once Upon A Kiss.