Matapos ang P0.79 kada kilowatthour na bawas-presyo sa kuryente sa loob ng tatlong buwan, inaasahang tataas ito sa summer months, ayon sa Manila Electric Company (Meralco).

Aminado ang pamunuan ng Meralco na malaki ang posibilidad na tataas ang singil sa kuryente sa susunod na mga buwan dahil sa pagpasok ng tag-init, gayundin ang nakatakdang pansamantalang pagtigil sa operasyon ng Malampaya gas, na mapipilitan ang power producers na gumamit ng mas mahal na panggatong sa paggawa ng kuryente, at dagdag pa rito ang patuloy na implementasyon sa secondary price cap sa WESM.

Una nang inihayag ng Meralco na bumaba ang generation charge; 19 na sentimos ang nabawas ngayong Enero bunga ng 22 sentimos kada kilowatthour na inawas ng mga power generation company mula sa P4.94 rate noong Disyembre dahil sa pinasok na power supply agreements (PSA) ng Meralco at power generation companies, gayundin ang pagbaba ng buwis, system loss at subsidy.

Binanggit pa ng Meralco na natabunan nito (pagbaba ng generation rate) ang pagtaas sa presyo ng mga independent power producers (IPP) at Wholesale Electricity Spot Market sa halagang P0.24 at P1.68 kada kWh, ayon sa pagkakasunod dahil naman sa secondary price cap noong Pebrero hanggang Hulyo 2014.

National

UP, top university pa rin sa Pinas; Iba pang paaralan sa bansa, pasok sa Asian ranking!

Kasabay nito, pinayuhan ng Meralco ang publiko na gumamit ng energy efficient appliances, gaya ng LED bulb at inverted type.