Michael Carter-Williams, David West

PHILADELPHIA (AP)– Naipasok ni Michael Carter-Williams ang isang running layup sa huling 9.2 segundo upang buhatin ang Philadelphia 76ers sa panalo kontra sa Indiana Pacers, 93- 92, kahapon.

Pinangunahan ni Tony Wroten ang Sixers sa kanyang naitalang 20 puntos kung saan ay nakuha ng koponan ang ikalawang sunod na panalo sa ikalawang pagkakataon lamang ngayong season, at nakuha ang ikatlong panalo sa huling apat na laro. Ang 76ers, na nanalo sa ikalawang beses sa kanilang bakuran, ay 7-13 mula nang buksan ang season sa 0-17.

Nagtala si David West ng 28 puntos para sa Pacers ngunit kinapos sa isang 13-footer sa buzzer na nagbigay sana ng panalo para sa Indiana.

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente

Dinala ni West ang Pacers sa unahan sa isang fadeaway 12-footer ngunit iginiya ni Carter-Williams ang Philadelphia sa panalo sa kanyang layup, may 9.2 segundo bago ang final buzzer. Naglista rin siya ng 9 assists.

Nag-ambag si Robert Covington ng 16 puntos, kabilang ang isang acrobatic layup, may 32 segundong naititra sa orasan, upang ibigay sa Philadelphia ang 91-90 abante.

Ginamit ng 76ers ang 12-3 run sa unang 5 minuto sa ikatlong yugto upang kunin ang 53-52 kalamangan. Nahirapan ang Pacers mula sa field sa nasabing quarter, ngunit nanatiling malapit at salamat sa kanilang free throw shooting. Nagawa ng Indiana na maipasok ang siyam na sunod na pagtatangka mula sa linya sa isang stretch.

Natapos ang free throw streak nang maipasok ni West ang isang short jumper upang iangat ang Pacers sa 62-60 sa huling 4:14 sa nasabing period. Dito na dumating ang tatlong sunod na 3-pointer ng Philadelphia, kabilang ang isa mula kay Covington upang iangat ang 76ers sa kanilang pinakamalaking kalamangan, 69-62, sa natitirang 2:45.

Hindi naman basta nagpaiwan ang Pacers at sinagot ito ng walong sunod na puntos sa loob ng dalawang minuto at naagaw ang kalamangan sa 70-69 sa nalalabing 33.2 segundo sa third period.

Nakuha ng Philadelphia ang 72-70 bentahe papasok sa final period sa likod ng three-point play ni Wroten.

Resulta ng ibang laro:

Charlotte 110, New York 82

LA Clippers 120, Dallas 100

Detroit 98, Brooklyn 93

Toronto 109, Boston 96

Chicago 95, Milwaukee 87

Houston 97, Utah 82

San Antonio 108, Minnesota 93