ANO ba ang mainam na iregalo sa mga anak ngayong humantong na sila sa sapat na gulang? Mamahaling gadget ba? Alahas? Isang bonggang-bonggang birthday celebration? Mawawala rin ang mga bagay na iyon pagdating ng takdang oras. Sapagkat nakauunawa na ang ating mga anak paghantong nila sa hustong gulang, mas mainam na ipasa na lamang natin sa kanila ang ating mga natutuhan sa buhay pati na ang mga pangaral ng sarili nating mga magulang. Siguro makikinig sila, sa paraan na nakinig tayo sa ating mga magulong noong mag-18 o mag-21 anyos tayo. Malamang na hindi nila ito iwawaglit habambuhay at maaari pa ilang ipasa sa kani-kanilang mga anak.

Marahil din na ang mga pangaral na ito ay para sa ating lahat. Ngunit para sa akin, isang paraan upang pangaralan ang bata ay sa pamamagitan ng mabuting halimbawa. Kung mahal mo ang iyong mga anak, maaari mong gupitin ang bahaging ito, pati na ang lalabas bukas, at ito mismo ang ibigay mo sa iyong mga anak (sa tiyak na petsa o balang araw). Iniiwan ko sa iyong pagpapasya kung paano mo ito ibibigay sa kanya: I-paste sa isang magandang papel at ikuwadro, o kunan ng litrato at i-post sa Facebook, etc.

  • Hindi ikaw ang iyong trabaho. Hindi rin ikaw ang perang naipon mo sa bangko. Hindi ikaw ang lahat ng iyong pag-aari.

    National

    DepEd, sinabing walang korapsyon sa pamumuno ni Sonny Angara

  • Hanapin mo ang iyong hangarin. Hanapin ang nagbibigay sa iyo ng inspirasyon. Alamin kung ano ang kailangan mong gawin at gawin mo iyon nang buong puso. Malamang na pagkaperahan mo pa iyon.
  • Masasaktan ka sa pag-ibig. Pero mas mainam na iyon kaysa hindi ka iibig forever dahil natatakot kang masaktan. Dapat mong maranasan ang umibig at masaktan.

  • Ang komunikasyon at respeto ay mga pundasyon ng pangmatagalang relasyon.

  • Huwag ikumpara ang iyong sarili dahil pag-aaksaya lang ito ng lakas at panahon. Ikaw ay unique at may angking mga talento na maipakikita sa daigdig.

Marami pa bukas.