Sinuportahan ni Department of Interior and Local Government (DILG) Secretary Mar Roxas ang desisyon ng Supreme Court (SC) na nagdeklarang legal ang mga polisiyang isinulong ng yumaong si dating DILG secretary Jesse Robredo na nagtataguyod ng transparency at accountability sa local government units (LGUs).

“Ang mga polisiyang ito ang pamana sa atin ni Sec. Robredo sa pagsusulong ng Tuwid na Daan," ani Roxas hinggil sa tatlong DILG Memorandum Circulars (MCs) na idineklarang legal kamakailan ng SC.

Ang mga ito ay ang MC 2010-83 na nag-aatas ng buong paglalantad ng budget, finances, bids at public offerings ng LGUs; MC 2010-138 na may mandatong gamitin ang 20% bahagi ng taunang internal revenue allotment (IRA) para sa development projects; at ang MC 2011-08 na nag-uutos sa LGUs na estriktong sumunod sa Section 90 ng General Appropriations Act of 2011 kaugnay sa paggamit ng IRA.

“Dapat nating ipreserba at ipagpatuloy ang pamanang ito ni Sec. Robredo na tumitiyak ng transparency at accountability sa mga pamahalaang lokal,” diin ni Roxas.

National

Ping Lacson, kinilala ambag nina PNoy, PBBM sa estado ng kaso ni Mary Jane Veloso

Sa pamamahala ni Roxas, tiniyak nito na ang sama-samang pagsisikap ng LGUs, mga komunidad sa kanayunan at mga grupong pangrelihiyon sa ilalim ng Ugnayan ng Barangay at mga Simbahan (UBAS) para sa mga Kristiyano at Huntahan ng mga Ulama para sa Mamamayan (HULMA) para sa mga grupong Muslim sa Mindanao ang magbibigay ng magandang samahan.

"Tulad ni Sec. Jesse, naniniwala kami na napakahalaga ng mga mamamayan sa pagpapatuloy ng mga reporma sa ilalim ng Tuwid na Daan," dagdag ni Roxas.