MADALING ARAW ● May nakapag-ulat na lumindol kahapon nang madaling araw. Ang epicenter ng lindol ay nasa 13 kilometro sa timog-silangan ng San Antonio, Zambales na may lawak na 85 kilometro ayon a rin sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs). Kaya sa kasarapan ng ating pagtulog kahapon nang madaling araw, parang magnanakaw na dumating ang magnitude 6 na lindol.

Naramdaman din ang lindol sa Metro Manila at malamang na magkaroon pa ng mga aftershock gayong hindi naman inaasahan na lilikha ng damage sa mga imprastraktura. Niyanig din ng lindol ang Pasig, Pasay, Quezon, Makati; San Mateo, Rizal; Hagonoy at Obando sa Bulacan ng Intensity 4. Intensity 3 naman sa Tagaytay at San Miguel sa Tarlac; Intensity 2 sa Baguio at Batangas. Siguro nga para akong bangkay kung matulog dahil hindi ko naman naramdaman ang Intensity IV dito sa Maynila. Dulot marahil ito ng climate change. Sa sobrang init na ng mundo, natutunaw na ang tectonic plates kaya gumagalaw ang lupa. Tulad ng mga bagyo at pagguho ng lupa, kabilang ang mga lindol sa pagpapahayag na nagagalit na ang kalikasan. At kapag nagagalit ang kalikasan, totoong mapapahamak tayong lahat.

***

HUWAG KANG PASAWAY ● Simula ngayon, maglalabas ang mga awtoridad ng mga advisory hinggil sa pagbisita ni Pope Francis sa Enero 15. Ito ay para sa mga dadalo sa mga aktibidad ng pagbisita upang matiyak itong ang mapayapa at ligtas. Ayon sa Palasyo, ang mga advisory ay kinabibilangan ng mga babala at infographics para sa mga dadalo sa misa pati na ang impormasyon kung saan matatagpuan ang mga portalet at entrance/ exit. Ilalabas na rin ang traffic advisories, road closures, flight cancellations at iba pang adjustments hinggil sa limang araw na pananatili ng Papa sa bansa. Una nang ipinahayag ng Palasyo na simula Enero 15, Huwebes, walang truck o container van na papasok at lalabas sa port area habang idedeklarang ‘no fly zone’ ang Metro Manila sa mga araw na narito si Pope Francis. Sa dami ng advisory na nakatakdang ilabas ngayong araw, tumalima sana ang mga nagbabalak na dumalo sa mga aktibidad, lalo na yaong mga overacting na mga mananampalataya na nagbabalak sumali sa olympics sa pagtalon ng mga harang at barikada ng pulisya at militar. Kahit maganda ang ating intension, tayo rin ang magpapahamak sa ating sarili sa katigasan ng ating ulo. Ipakita natin sa Papa na may disiplina tayong mga Pilipino.
National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists