Pinaalalahanan ng Department of Labor and Employment (DoLE) ang mga employer sa bansa na tumalima sa tamang pamantayan sa pagpapasahod sa kanilang mga empleyado sa mga idineklarang holiday kaugnay ng pagbisita ni Pope Francis sa bansa ngayong linggo.

Base sa advisory ni Labor Secretary Rosalinda Baldoz, kapag ang empleyado ay pumasok sa Enero 15, 16 at 19 na idineklarang mga special non-working holiday ay bibigyan siya ng 30 porsiyentong dagdag sa arawang sahod sa unang walong oras at karagdagang 30 porsyento kada sumobrang oras o overtime.

Kung ang empleyado ay pumasok sa araw ng kanyang day-off, babayaran siya ng 50 porsiyento sa arawan niyang sahod sa unang walong oras at karagdagang 30 porsiyento paglagpas ng walong oras.

Kaugnay nito, inabisuhan naman ng Department of Education (DepEd) na suspendido ang klase sa Metro Manila sa Enero 15, 16, 17 at 19.

National

DOH, nakapagtala ng 17 firework-related injuries sa loob lamang ng 24 oras

Batay sa abiso ng DepEd, kakanselahin din ang klase sa Tacloban City sa Leyte, na bibisitahin naman ng Papa sa Enero 17. - Mina Navarro at Mac Cabreros