VATICAN CITY (AP) – Iginiit ni Pope Francis na ang kanyang malasakit sa mahihirap at kritiko ng global economic system ay hindi isang komunistang ideolohiya kundi ang orihinal at magsisilbing core “touchstone” ng Kristiyanismo.
Tinagurian ng ilang U.S. conservative ang unang Latin American pope bilang Marxist dahil sa kanyang madalas na pagpuna sa consumerism at pagbibigay-diin sa isang simbahan “that is poor and for the poor”. Ngunit sa isang panayam sa bagong libro, ipinaliwanag ng Papa na ang kanyang mensahe ay mula sa Gospel at binanggit na ng ilang pari.
“The Gospel does not condemn the wealthy, but the idolatry of wealth, the idolatry that makes people indifferent to the call of the poor,” pahayag ni Francis sa “This Economy Kills”.
“Caring for our neighbor, for those who are poor, who suffer in body and soul, for those who are in need: this is the touchstone. Is it pauperism? No. It is the Gospel.”’