Magpapatupad ng big-time price rollback ang mga kumpanya ng langis sa bansa simula ngayong Lunes.

Sa pahayag kahapon ng Petron, epektibo 12:01 ng madaling araw ng Enero 12 ay magtatapyas ito ng P1.70 sa presyo ng kada litro ng gasolina, P1.60 sa kerosene, at P1.50 sa diesel.

Hindi naman nagpahuli ang PTT Philippines na magkakaltas ng P1.70 sa presyo ng gasolina at P1.50 sa diesel habang walang paggalaw sa kerosene nito.

Bandang 6:00 ng umaga naman magbababa sa parehong presyo ng gasolina at diesel ang Phoenix Petroleum.

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente

Asahan ang pagsunod ng iba pang oil company sa malaking bawas-presyo sa petrolyo kahit hindi pa naglalabas ng abiso ang mga ito.

Ang bagong price rollback ay bunsod ng pagbaba ng presyuhan ng langis sa pandaigdigang pamilihan.

Ito ang pangalawang beses na bawas-presyo ngayong buwan ng taon.

Noong Enero 5 ay nagtapyas ang mga kumpanya ng langis ng P1.25 sa kerosene, P0.95 sa gasoline at P0.80 sa diesel.