SA edad na disisais ay wala pang karanasang sekswal sa babae si Nash Aguas.

Hindi ito naiwasang maitanong ng entertainment press sa bida ng seryeng Bagito ng ABS-CBN (napapanood bago mag-TV Patrol) dahil batang ama ang ginagampanan niya at mahusay siya sa kanyang pagganap. Lumaki tuloy ang mga mata ni Nash sa tanong.

"Ako po? Sixteen pa lang po ako, wala pa po (karanasan sa sex), bata pa po ako!"

Pero ina min ng binatilyo na may nahalikan na siya, on-cam, si Toni Gonzaga nang magsama sila sa Maalaala Mo Kaya (2011) na May-December affair.

National

Agusan del Sur, nilindol ng magnitude 5.3

"Wala pa po sa isip ko 'yan," sangga ni Nash nang makatsikahan namin pagkatapos ng Q and A sa presscon ng Bagito kasama sina Ella Cruz at Alexa Ilacad.

Bagamat binatilyo na at kainitang gumimik dahil marami namang kaibigan ay hindi raw niya ito ginagawa dahil mas gusto niyang manatili sa bahay nila.

"Hindi po ako palagimik, pinapupunta ko po ang mga kaibigan ko sa bahay, doon po kami naglalaro ng PS4 o kaya nagba-basketball po," kuwento ng batang aktor.

Hindi naman siya pinagbabawalang lumabas ng mga magulang, pero siya na mismo ang nagdesisyong sa bahay na lang siya. Homebody siya kaya malayo sa tukso.

"Oo naman. Lumaki nga po ako na pinalaki ni Mommy na laging nagdadasal. So bago mangyari 'yun, si Lord muna. Iniisip ko muna si Lord," magandang katwiran ni Nash.

Walang alam si Nash kung paano niya nabigyan ng justice ang papel niya bilang bagitong ama.

"Eh, 'yun nga po, eh. No'ng una, kinakabahan po talaga ako kasi hindi ko alam kung saan ako huhugot. Pero actually, habang nagti-taping po kami, dala-dala ko 'yung bata, nag-i-imagine ako na tala gang anak ko siya.

"And nakakadala naman talaga 'yung baby. 'Pag may hawak ka nang baby, kasi first time kong maghawak ng mga babies, so parang naramdaman ko na kung ano 'yung nararamdaman ni Drew kung mawawala 'yung baby," sayni Nash.

First serye niya ang Bagito at aminado siya na marami siyang tanong noon kung bakit hindi siya nakakasama sa serye gayong sa pakiwari niya ay ibinibigay naman niya ang best niya sa pag-arte.

"Ipinagdasal ko po na bahala na si Lord kung ano'ng plano, 'tapos heto nga po dumating ang Bagito, ito pala 'yun, inihanda pala ako sa role na ito kaya nagpapasalamat po ako sa Dreamscape, kay Sir Deo (Endrinal), sa buong team, kasi ipinagkatiwala nila sa akin ang Bagito.

Sobrang saya ko po talaga," kuwento pa ni Nash.

Crush ni Nash ang leading lady niyang si Alexa, pero hindi raw ibig sabihin ay liligawan na niya ito.

"Ano po, kaibigan lang kasi mga bata pa kami at alam naman namin ang priority namin, so kaibigan lang. Nagugulat nga po ako kasi may mga nagsabing crush din niya ako, so nakakatuwa kasi pareho kami," nakangiting sabi ni Bagito.

Samantala, upang mas makapagbigay ng gabay sa televiewers, makikipagtulungan ang Bagito sa Center for Family Ministries (CEF AM) para sa pagbubukas ng Bagito Hangout online forum kung saan maaaring magtanong at humingi ng payo ang teenagers sa counselors ng CEF AM. Ito ay magsisimula na sa Enero 19 (Lunes), mula 6:30 PM hanggang 7:30 PM sa http://bagito.abs-cbn.com/hangout.

Bukod kina Nash, Alexa, at Ella ay kasama rin sina Agot Isidro, Ariel Rivera, at Angel Aquino sa Bagito with Paolo Santiago, Alex Diaz, at ang mga miyembro ng sumisikat na boy group na Gimme 5 na sina Joaquin Reyes, John Bermundo, Grae Fernandez, at Brace Arquia, mula sa direksyon nina Onat Diaz at Jojo Saguin.